| something called update |
[ Aug. 12th, 2:14pm] |
1. eherm eherm eherm. i know i know, midterms are here again, dapat tigil muna kawalaan...pero update lang..
-------------------------------------
2. so ayun, midterms ka... pwotek na banking. di nagpapakita teacher, tapos midterms, kalahati ng book. amazing! goodluckness to lahat...
-------------------------------------
3. speaking of school, yuh, SAN BEDA COLLEGE, will be known as SAN BEDA UNIVERSITY na...yu-huh. nagpa change status sa UNVIERSITY na ang beda... soo ano ibig sabihin nun? a. SBU na kami, di na parang coffee shop b. sa UAAP na rin kami, meaning, its ADMU v BEDA, here i come admu jacket! c. meaning, nanduon na rin juniors ng beda...powtek! san pa kami kukuha ng players...anddddd, durog ang juniors namin syetness
-------------------------------------
4. and, speaking of changing status, apparently, JD program na rin ang BEDA next year... sayang.. soo kami na pala last batch ng LLB...hmrmrmr...sana pwede akong maging JD... ehehehe..teka ibig sabihin nun, delayed.. wag na lang... SANA option pala! ahahaha
--------------------------------------
5. OHHH..photog...bumabalik ang hilig sa photog... part na ako ng official photogs ng school paper... well... dapat AKO lang.. kaso yung isang writer, nagphophotog rin... GRRR...destroy!!! ahahah joke lang! haay, ayan na naman ako, nagmamarunong sa photog, feeling know it all... SHO-OP!
------------------------------------- 6 bibigay na cellphone ko, gusto ko ng tripod...syet mahal ness
-------------------------------------- 7. "Today, when i stand up to get of the bus, 2 people immediately took my seat. FML" - yeah, entry tungkol sa taba... syet di ba... BELO!! BELO!!!
------------------------------------ 8. sana pwede siyang magmowdel... ahahaha
|
|
| HAYYY NAKO |
[ Mar. 22nd, 9:20am] |
- just taking a coffee break...sakit na ng kamay ko
- ok anyway... nagsundo ako sa kapatid ko kanina, galing punta fuego, may something sa mga doctor... swerte... anyway...ng ako ay palabas sa may amin, as in tipong 2 mins palang ang nakakalipas... lo and behold... may nakita ako na kumuha ng atensyon ko. akalain mong its..its... WOAH!!! ang laki-laki ng aking ngiti... sobrang tuwa at ligaya... ehehe taga dito lang pala siya!!!!! wahahahahahaha... stalker mode on! (joke lang!) anyway...so yun nga... tawa ako ng tawa...as in.. tapos... nalaman ko, kanina lang.. baka yung BF niya nakitra doon, kasi sa may tandang sora raw siya nakita...powtek... way to burst the bubble... hayy nako.. wat comes up, must come crashing down... and now, i am back on earth, where i belong... ho-hum
|
|
| HOLDIN me breath! |
[ Mar. 20th, 1:03pm] |
ho ho hokey!!!!
tapus na sa exams!!! graaabeeeeeeee...natapos din! *nakatapos na ng 1 year* digest na lang ng cases (yes..dito sa beda, we have to freaking digest cases assigned to us, write sa yellow pad at i-pass!) ilang cases? 80++ lang man... bakit naman...last sem, 50 consti, 20 crim at tumatagingting na 122 sa perso = 192 hadn written digests! panalo) kaya 80++ na lang...which is deadline sa fri pa.. pero i want to make it by wed tapos na..bakit? well PARA SUMMER NAAAAA! pero.. holding my breath pa rin.. kasi dito, labasan ng grades, enrollment... so June pa.... however, unlike last time...kaya talaga... kaya asteg.. dati kasi, kahit anong reinforment sa sarili, parang nagsisinungaling lang ako... this time around, no ewaness watsoever.. kaya talaga! i have my blockmates, beda man or admu, maganda man o kaya masama ang pakikitungo nila sa akin, to thank for that....here's to 3 more years.
- andddd... there is more reason to smile here sa beda... HAAAYYY NAKOO... kung hindi lang talaga "ganito" ako...hmmpp... may araw ka rin!
- camera issss back!!! NIKO!!! SHOOTTTT NA TAYOOOOO
|
|
| TIME OUT! |
[ Mar. 15th, 1:08pm] |
teka...bago ipagpatuloy ang aking pag-aaral ng criminal law... heto na muna
- grabe.. dami ah... nalulunod na ako sa provisions...pero yun na nga... ganyan lang talaga... asteg!
- btw, yung kapatid ko, nagpa-braces ulit. she is like 40years old na (ok ok, 29 lang.. pero get my point) nag brace na siya dati, at heto, nagpabrace ulit... meron ba akong nalalaman na uso na ulit ang magpa-brace? babalik na ba ulit ang TGIS? Bobby andrews at angelu de leon tandem na naman ba? *cue music ng TGIS na na na na, na na na na!* ahaha.. sabi ng dentista eh... ewan ko ba dun. then again, doktor na siya..kasing lebel ng isang consultant...sooo care nila di ba? pero still... ahahaha, cant stop laughing at my sister...ahahaha *na na na na, na na na na na...*
- konting tiis na lang..tapos na 1st year... 2nd year... ikaw naman!
- update na lang sa mga susunod na oras....magbabasa pa ako ng bar questions...krap...
|
|
| YES |
[ Feb. 21st, 2:02pm] |
maaaan..
*ewan blog*
Just watched yes man. i liked the film. lakas ng tama, funny in some ways or another, pero galing. love story pa rin ang punot dulo ng lahat
pero hindi yun ang point ng blog ko. ehehe si Zooey Deschanel. hotness... suuuuper cute... (insert AWWW moment ni Jericho Rosales na advertisement) ganda. she sings verrrryy well... ganda na nga niya, galing pa kumanta... perfect. and of, her character in the movie loves photography...STEG!
she does look like Katy Perry (hot girl din..:D) eehehehe
steg...tapos na sabawness
|
|
| BOB ONG's Philosophy on Love |
[ Feb. 9th, 12:00pm] |
pagkatat, nalalapit na naman ang ARAW ng mga PUSO...nagsisilabasan at nagpupulong na naman ang mga S.A.W.I (Samahan ng mga Atenistang Walang Iniibig) munting paalala sa mga umibig, umiibig, at nagtatangkang umibig
1."Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,malandi, pa-fall o paasa."
12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"
17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
19. "Ang pag-ibig parang imburnal.... nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka..
|
|
| ran-dum-dum-dum things |
[ Jan. 19th, 2:39pm] |
some stuff na naisip ko lang..bago ako matulog...tapos gigising para mag memorize ng isang exam sa leg philo...(powtek..problema na naman itong leg philo na ito...hayy) marahil, mas mapupunuan pa ang isusulat dito sa pagdaan ng panahon. gahol na ako sa oras..kailangan ng mag pahinga ng aking utak
UNANG NAISIP: nanakakatuwang isipin, may kakilala pala akong tinatawag nilang "heartrob" noong nasa highschool pa ako. akalain mo nga naman. tandaan, HIGHSCHOOL...tipong ga-uod palang ata ang pakiramdam ko sa paligid. hindi naman sa sinasabing wala akong alam, o kaya wala akong pakialam. sabihin na lang natin na, ayaw ko pang mamulat sa kawalan kumbaga. pero ayun na nga...nakakatuwang isipin may kilala pala akong HEARTROB. ang galing lang. ehehe...kumbaga, kung ikukumpara ko yun sa ibang bagay... parang may kakilala akong artista. paano ko naman ito nasabi bigla? kasi...sabihin nating may hinahanap akong tao sa "internet" akalain mong nakita ko nga 'siya". tapos sabay comment ng isang tao sa blog "your <hername> (malaamang babae...hinahanap nga eh>, heartrob of <insert highschool>" steg...sikat! ehehehe...
*sabi sa iyo walang kwentang blog*
magiging panget pala for the next 4 years ang humirit ng hindi angkop at sa mga bagay na hindi dapat ihirit... ehehehe
*susundan*
|
|
| Crap |
[ Jan. 6th, 3:04pm] |
crap i miss photography crap i i have no time crap i have no inspiration crap...crap...crap... if crap can crap...that's what i am feeling right now soooo what to do with these?
make something out of it...
GUMMY BEARS RETURNS *ten*ten*teeeeeeeeennnnnnnnnn*
*powtek! walang magawa sa mundo!* *research muna ako materials...ahaahha*
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
| [ |
go |
| |
earlier |
] |
|
|
|
|